April 7, 2009

Ang Alamat ng Golden Duranta

Noong unang panahon may isang mangkukulam na nakatira sa Mount Duran.
Wala siyang anak o asawa man lang, nag iisa lang siyang nakatira sa liblib na lugar.
Ang mga taong may ipakulam lamang ang mangahas na puntahan ang kanyang bahay.

Isang araw may babaeng dumating. . . . umiiyak ito sa lungkot,

Dahil alam na niya ang gusto ng babae, hinihingi ng mangkukulam ang larawan ng taong ipakulam at isang kagamitan na pag - aari nito.

Pagkatapos ng seremonya, binayaran ng babae ang mangkukulam ng kaunting pera at isang gintong singsing na may desenyong bulaklak.

Habang pinatay ng mangkukulam ang itim na kandila, biglang kumalabog ang kanyang puso nang makita ang larawan ng lalaki, parang may kakaibang kuryente na dumadaloy sa kanyang puso.

Ilang linggo siyang walang ganang kumain, naging limutin siya at may mga oras na hindi niya alam ang kanyang gagawin.

Nang hindi na niya matiis ang kirot ng kanyang puso, kinuha niya ang gintong singsing at sinabayan ng mga salitang kakaiba at agad isinout.

Biglang nag bago ang kanyang mukha. . .naging kamukha niya ang kabiyak ng lalaki.

Pinuntahan niya agad ang lalaki. .. . .

Ngunit huli na ang lahat, ang lalaki ay isa na palang malamig na bangkay, nakalimutan pala nya'
ang kulam na ibinigay sa lalaki.

Kinuha niya ang singsing at inilagay sa puntod ng lalaki, pagkatapos siya ay nagpakamatay.

Nalaman ito ng mga tao kaya walang gustong pumunta o magnakaw sa puntod ng lalaki, natakot kasi sila baka buhay ang mangkukulam na nagbabantay lamang sa burol.

Sa paglipas ng panahon may halamang tumubo sa libingan ng lalaki.

Dahil hindi nila alam ang pangalan ng mangkukulam tinawag na lang ang halaman na "Golden Ring of Duran"

Nang maging moderno ang panahon tinawag na lang itong "Golden Duranta".

No comments:

Post a Comment

Comments/Suggestion :